Sabado. Sa araw na ito ay napagkasunduan nilang dalawa ni Sam na gawin ang pangangalap ng mga references at material na pwedeng gamitin sa case research project nila sa isang subject. Halos mag aapat na oras na sila sa library at naghahanap pa na ilang libro.
“Julie!” bulong ni Sam habang dala dala ang mga librong kinuha nila. “Hindi ka pa ba nagugutom? Kanina pa tayong umaga dito, magla-lunchtime na.”
“Sandali na lang. Dalawang books pa.” sagot niya habang sinisipat ang isang libro sa shelf. Tuloy tuloy lang siya sa paglakad sa pasilyong iyon habang nakatingin sa mga titulo ng libro. “Eto!” sabay kuha ng aklat at pagbabasa. Tinignan niya ang table of contents at binuklat ang iba pang pahina habang si Sam naman ay tila ngalay na kaya naman umupo na ito sa katabing shelf. “Pwede na to. Tara na— Anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka nga.” utos niya sa binatang parang bata na ginagawang bahay ang pinagpatong patong na libro.
“Okay ka na?” iniayos nitong muli ang mga librong kinuha at binitbit patayo.
“Oo. Tama na siguro to. Nandito naman na yung hinahanap natin eh.”
“So kakain na tayo?”
“Ayaw mo?”
“Hindi.”
“Yun naman pala eh. Tara na.”
“Teka.”
“Ano na naman yun?” harap niya sa binata.
“San mo gustong kumain?”
“Sa bahay. Bakit sa labas mo ba gusto? Magtipid ka naman Sam, please?”
“Wala naman akong sinasabi ah.”
“Good. Tara na.”
Nagtungo silang dalawa sa kanyang bahay at nadatnan niya ang kanyang mama na nagluluto pa rin.
“Good Afternoon, Ma!”
“Nandyan ka na pala. Malapit nang maluto ito.” bati ng kanyang Mama mula sa kusina.
“Good Afternoon po, Tita.” sigaw ni Sam.
“May kasama ka Japs?” tanong nito.
“Si Sam po, Ma. Dito kami gagawa ng project namin. Ma, akyat lang kami sa kwarto sandali.”
“Tawagin ko na lang kayo pag luto na.”
Pagdating nilang dalawa sa kwarto ay ibinaba ni Julie ang mga libro sa kanyang study table at kinuha ang laptop. Isinaksak niya ang plug ng charger at pinaandar. Tinignan lang siya ni Sam. “Gagawin na natin yan agad-agad?” turan nito kalakip ang tila pagtataka. “Diba three weeks pa ang due niyan?”
“Sam, maganda nang maaga tayong nag-uumpisa para hindi tayo nagka-cram.” sagot niya dito habang nakatutok sa laptop.
Nilapitan siya ni Sam. “Alam mo, masyado mo nang iniistress ang sarili mo.” Isinara ng binata ang laptop.
“Sam!”
“Shhh!!! Marami na tayong nagagawa. For two days buo na natin halos kalahati ng research.” anito. “Magpahinga ka muna. Besides, it’s Saturday. Why won’t we have some fun?”
“Fun?” “Paano naman?”
“I don’t know. Ano ba gusto mong gawin?”
“Sa totoo lang, Sam…” “I want to go out. With Moe. Pero busy siya eh.”
“Busy?”
“Para namang hindi mo alam. Di ba nga may theatre work sila ni Jazz these days?”
“I know.”
“Then, I should just keep myself busy then.”
“Japs, that doesn’t give you the excuse to bore yourself with these.”
“Di ako bored.”
“Yes you are!”
“No, I’m not.”
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala. But I can tell it.”
“Alam mo, ang galing mo rin no. Of all the persons I knew, Ikaw na siguro yung pinaka mayabang.”
“Mayabang?! I’m not! I’m just telling the truth.”
“Ang rude mo kaya.”
“No Julie!”
“Yes you are!”
“Anong nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo?” Parehong silang natahimik at napaaling. “Akala ko nag-rarambol kayo eh. Nakaluto na ako. Baka gusto niyo na kumain?”
“Mamaya na po.” sabi niya sa kanyang Mama.
“Sure kayo?” usisa nito. “Ikaw Sam, baka nagugutom ka na?”
“Di pa po, tita. Mamaya na lang.” ngiti nito sa ginang.
“Sige, kayo ang bahala. Bumaba na lang kayo pag nagugutom na kayo.” sabi nito sa dalawa. “Nga pala may pupuntahan ako ngayon. Ikaw nang bahala dito ha? Baka gabihin ako ng uwi.”
“Okay po.” ngiti niya sa ina. Nginitian niya silang dalawa bago lumabas ng silid.
Binalot ng sandaling katahimikan na para bang isang malaking kahihiyan ang tumambad sa isa’t isa. Pawa silang nanatili sa kanikanilang pwesto, nagiiwasan ng tingin. Si Julie ay nakaupo sa kanyang kama habang si Sam naman ay nakatayo lang at nakatungo.
“Look, Julie…”
“No Sam, no need to explain.” sabat niya. “Know what? Tama ka. Masyado lang akong stressed sa mga bagay na dapat hindi ko naman ika-stress.”
“Good. But I’m sorry if I offended you. I don’t know kung paano kita iaaproach eh. I didn’t mean to be rude, sorry.”
Natawa siya. “Ako nga dapat ang humihingi ng sorry eh.” aniya. “Feeling ko ginamit kita as an escape from all this.”
“All this what?”
“I dunno.” napaisip siya. “Maybe pain?” Tumingin siya sa mga mata ng binata.
“From?”
Muli siyang napaisip. “Ummm… Siguro dahil feeling ko, nagiisa ako. Na feeling ko left out ako. Na feeling ko… Ah ewan! Ayoko na isipin.”
Tinabihan siya ni Sam sa pag-upo. “Bakit? Hindi ba kayo naman ni Elmo?”
“Oo nga.” Maagap niyang sagot. “Pero hindi ko naman siya maabala. Alam naman natin na nasa may prod siya ngayon. Tapos saliwa pa yung schedule namin. Tapos halos hindi na kami nagkikita. Wala pa kaming communication. Pati na yung mga regular na ginagawa namin together, ako na lang ang gumagawa alone.”
Muling nagusisa si Sam. “Bakit naman walang communication? Parang imposible naman yun.”
“Alam mo, sa teatro, mahirap kung alam mo lang. Kailangan mong i juggle yung academics mo pati na rin yun. So kung may oras man, hindi ko na siya ginagambala.” paliwanag niya. “I’d rather give him a break or time to rest. Alam ko naman ang demand ng theatre. Been there, done that.” tumungo siya sa sahig.
“Pero hindi mo dapat pinapapabayaan na ganun. Look Julie,” iniangat ng binata ang mukha ng dalaga. “Communication is the key in every successful relationship. Kahit sa text lang. Kahit isang beses lang sa isang araw. Just to let your love one know that you love them. An assurance.” payo nito.
Tumango lamang siya at pinilit na ngumiti.
“You know what?” muli siyang napatingin sa binata. “You’re beautiful, Julie. Inside and out. Kung meron akong girlfriend na katulad mo, I’m sure hindi ko siya pakakawalan.” sambit ni Sam. “And I will make her feel beautiful everyday.”
“Thank you.” ngiti niya sa binata.
“No problem.” ngumiti rin ito sa kanya. Tumingin ito palayo at pabalik. “I’ve got an idea! Maybe this is what you can do…”
(Itutuloy)